Tuesday, March 04, 2008

Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?


Mahilig akong manood ng mga palabas sa atin sa isang online streaming site, mapa kapuso man o kapamilya sya. Nakakaalis sya ng pagod, nagbibigay ng aliw lalo na sa mga taong nasa labas ng ating bansa. Masasabi nating updated pa din tayo sa mga nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan dahil nakakapanood tayo ng mga palabas sa atin sa internet kahit na malayo tayo sa ating bayan. Pero aaminin kong paminsan-minsan lang akong manood ng mga balita, hindi dahil wala akong hilig kundi dahil sa ang mga balita sa atin ay puro na lang pulitika. Hay naku, hate ko talaga ang politics. Walang pagbabago. At ito pa, ng minsang sumilip ako sa TV patrol nagrarally na naman pala sa Manila. Gusto ng paalisin si Gloria dahil kurakot din daw. At ang isang sumisigaw sa demonstrasyon ng "ILABAS MO NA ANG KATOTOHANAN" or something to that effect ay walang iba kundi si Estrada. What the hell!!! Ang kapal ng mukha ng isang ito. E sya ba nagsabi din ng katotohanan sa mga nakurakot nya dati? At ang taong bayan naman parang nakakita ng kakampi kay Erap. May amnesia na ba ang mga Pilipno sa ginawa ni Erap noon? Huwag naman sana nating kalimutan na ang isang ito ay nagnakaw din sa kaban ng ating bayan.

4 comments:

Anonymous said...

hmmm, we're on the opposite sides of the fence pala. =D di na lang ako magre-react.

Ethel said...

opposite side of the fence? you mean you're on erap's side? ako naman e walang pinapanigang pulitiko, hindi din ako maka GMA either. basta kung sino yung gumagawa ng mabuti dun na lang ako :=)

Anonymous said...

ano ka, erap? eeeewwww? kasama kaya ako sa mga nag-edsa 2, nasa frontline pa nga ako ng mendiola nung sinira namin yung barricades ng militar. hates namin si gloria noon pa man. kaya lang siya ang constitutional successor e kaya no choice. gosh.

Ethel said...

waaaaattt???? ako, maka-erap? no way kaya. wala akong gusto sa kanila. since nagkaisip yata ako sa mundo wala pang tayong naging maayos na presidente.