Friday, November 28, 2008

Time to brrrrrrr



Brrrrrr is here. At talaga namang super lamig. Tagos hanggang buto. Sabi ko naman sa lahat ng pinakaayaw kong panahon e panahon ng taglamig. Pero wala akong magagawa dahil nandito ako sa bansang halos kalahati ng taon e malamig ang panahon. But i can say we did have a good fall. Dahil noong nakaraang October napakaganda ng panahon. Ito yung time na nagsisimula ng mag-brown ang mga dahon at naglalaglagan na kung iisipin mo parang(?) namamatay na yung mga halaman. At hindi gaanong kalamigan compare sa mga nagdaang taon na September pa lang naka-winter jacket ka ng talaga. But this year, tamang-tamang sabihin talaga na fall pa lang.
Anyway that was month ago. And now is the time to get your thick jackets and coats from your cabinet. Lahat ng makakapal ilabas na. Last week came the first snow fall. Hindi naman masyadong makapal dito sa City pero tumagal din ang pagbuhos almost the whole day.







This coming Sunday is the first advent. Yehey lapit na talaga ang pasko! Advent came from Latin word adventus, meaning coming. This is the period of preparation for the celebration of Nativity of Jesus. Or in other words the period immediately before Christmas. Dito sa Europa, ito ang simula ng kanilang christmas decorations na inuumpisahan nating mga Pilipino pagpasok pa lang ng buwan na may ber sa dulo (September, October, November....) Nandyan na din ang tinatawag nilang Christkindl Markt (Christmas market). Ito yung mga maliliit ng kubol na tinatayo, bilihan ng mga kung anu-ano, lalung-lalo na ang mga things pang-pasko. Sa madaling salita tyangge sa pasko. And they are open until 10pm, which is unusual here dahil ang mga shops dito impunto alas syete ng gabi nagsasara na. Pinakamatagal na ang 8pm once a week. Kaloka di ba.

No comments: