Nabasa ko ang isasagawang Earth Power nung nakaraang Sabado ng umaga sa isang newspaper dito sa Austria. Interesting sumali pero sa mga oras ng yun (20:30 o 8:30 P.M.) nasa labas pa lang ako at pauwi ng bahay. Hindi ko naramdaman dito sa aming lugar ang pagpa-participate ng mga tao. Siguro nakisali din ang ilang sektor ng gobyerno pero hindi ko ito naramdaman. Nawala sa isip ko ang bagay na ito dahil sa maghapong trabaho nung Sabado. Hanggang sa napanood ko na lang sa Internet ang pakikipag-participate ng iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Dun ulit sumagi sa isip ko ang ilang minutong partisipasyon na magpatay ng mga ilaw bilang pakikisali sa tinatawag na Earth Hour. Lampas alas-diyes na ng gabi ng ito’y aking mapanood at muling maalala. At naalala ko din na wala akong nakitang nagpatay ng kanilang mga ilaw sa aking dinaanan pag-uwi ng bahay. Ibig sabihin ba nito’y hindi nagpapahalaga sa kalikasan ang lugar na kinaroroonan ko? Pero naisip ko din naman, hindi naman siguro porke’t walang pakialam ang mga taong ito sa mga oras na inilaan para sa kalikasan e wala na din silang pakialam sa kalikasan. Paano kung ang mga taong napanood ko na nakipag-participate na magpatay ng mga ilaw e hanggang dun lang sa oras na yun ang kanilang suporta? At pagkatapos nito’y hindi din nila alam kung paano talaga gamitin ng maayos ang enerhiya? Mawawalan din ng saysay si Earth Hour, di po ba?
Monday, March 30, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



No comments:
Post a Comment