Ang sarap talaga ng feeling kapag malapit na ang summer. Nakakaalis ng depression lalo na at galing sa panahon ng tag-lamig na talaga namang nakakainis ang weather. Ang daming tao sa mga parks, at makikita mong sila din ay nasisiyahan. Ito ang buhay dito sa lugar na mas matagal ang winter kesa sa summer. Ninanamnam-namnam ang pagsikat ng araw. Nagiiba din ang oras tuwing papalapit na ang summer. Ito ang tinatawag na DST (daylight saving time) na sa tingin ko e hindi naman nakakatulong mag-save. Ang sabi nila panahon pa daw ito ng giyera ng gawin ang ganitong sistema, pero sa panahon ngayon kahit siguro kalahating araw ang idagdag o ibawas na oras e walang pinagkaiba at walang maititipid. At dahil panahon na naman ng spring, nandyan na naman ang aking BFF, si pollen allergy. Hiling ko lang na sana magbakasyon muna sa malayong lugar ang aking kaibigan. Kelangan muna naming maghiwalay. I need space!!!! :)


1 comment:
very nive so cool
Post a Comment