Love shows how powerful it is………………
*******
PACMAN fever.....malamang hilo pa din ang mga tao ngayon sa huling laban ni Pacquiao. Nagbubunyi sa pagkapanalo ng tinatawag na pambansang kamao ng Pilipinas. Hindi ako mahilig sa boxing pero nanonood ako ng mga laban ni Pacman pag may pagkakataon. Aaminin ko, kumampi ako ngayon kay Hatton sa dahilang "wala lang", "trip ko lang" ng maiba naman. Pero aaminin ko din nasiyahan ako ng malaman na panalo si Pacman at mapanood ko ang laban, ang bilis talaga ni Pacquiao. Palibhasa hindi na live ang pinapanood ko, pinaulit-ulit kong panoorin ang suntok na unang nagpabagsak kay Hatton sa first round pero hindi ko pa din matiyak kung saan banda dumapo ang kamao ni Pacman. Napakabilis na parang pinast-forward ang suntok at pagbagsak ng britton boxer champ. Nalaman ko na lang na sa panga pala dumapo ang suntok ng mapanood ko ang slow motion nito. At ang bilis natapos ng laban sa tinatayang 2 rounds na may 2 minuto at 59 segundo lang. Matagal pa yata ang pagkanta ni Martin Nieverra ng Lupang Hinirang at ni Tom Jones ng pagkanta nya sa British National Anthem. Para kay Pacman....congratulations! You made again the Filipino proud.



No comments:
Post a Comment